Real Estate in Metro

Monday, April 26, 2010

Larong Kalye - Bringing back the memories

I'm getting a bit bored here at home so instead of lying in bed staring at the ceiling, doing nothing, I've decided to come up with a blog about "Larong Kalye" (street games). Reminiscing the good old days, you know!

Ang mga larong kalyeng ito ay parte ng aking pagkatao. Hindi lamang pagdudumi sa katawang lupa ko ang aking napala dito, ang mga larong to ang sumubok sa aking lakas. Natuto akong magsinungaling, tumakas sa magulang, makapaglaro lang. Natutunan kong lumaban, makipagsuntukan, kaw ba naman madaya sa laro, di ka ba mapipikon?! Seriously, street games is an exercise in humility.  Sa paglalaro sa kalye ng tropa natutunan kong magpakababa, magsori, at higit sa lahat tumanggap ng pagkatalo kung kinakailangan. Without further ado, here are some of my fave!

Black 123 Ang pinaka-paborito kong laro sa lahat nuong bata pa ako ay yung "black 123" dito kasi nasusubok ang aking lakas. I'm not sure kung ito din yung  "agawang base" na tinatawag nila. Ito ay kampihang laro. Mas marami mas maganda. Ang dalawang grupo ay mamimili ng kanilang "base" o pwesto. May unang grupo ang mananakbo at magpapahabol. Ang gagawin naman ng kabilang grupo ay huhulihin sila isa-isa. Strategy game ito. Puede kang umikot, maging pain (bait) ng grupo, sumugot, etc.

Sa game na ito, hindi lang basta huhulihin, kailangan magawa din ma-ekisan sa likod ng mga taya ang kanilang kalaban sabay sabe, "black 123"!. Kinakailangan naman magpumiglas ng nahuli at iwasan magpa-ekis sa likod. So kun kinakailang manulak, mambalya, humiga, gumulong sa lupa para lang makatakas at hindi ma-ekisan ang likod ay ok lang. Pag nagawa kang maekisan sa likod ng nakahuli sayo dadalhin ka na nila sa kanilang "base". At duon magiipon ipon kayo at maghahawak ng mga kapwa mo nahuli. At tangi paraan upang kayo ay mailigtas ay nakasalalay sa mga kakampi mo na hindi pa nahuhuli. Kailangan magawa nito na makalapit sa "base" ng kalaban kung saan kayo ay inipon at kailangan nyang "ma-touch" yung kamay nung pinaka huli na nahuli. Pag "na-touch" ito, laya na kayong mga bihag! Kanya kanya ng takbuhan. hehe..  Palong-palo pag hinahabol mo yung crush mo. Nakakalito kung san mo hahawakan! Lolz. Dati nayakap ko yta ung crush ko pero walang malisya un, bata pa ko eh! hihih. Tapos naalala ko pa my classmate ako natanggalan ng butones.  Warning: Ang Black 123 ay larong siraan ng damit. hahaha. .Favorite namen tong laro nung mga classmate ko nung first year high school. Lalu na pag walang teacher, ang sarap-sarap maglaro sa oval ng rizal high. :p


TEKS: Nakakalungkot pro wala na kong nakikitang bata na naglalaro nito. Kahit kasi 5 yrs old ngayong busy2x na kaka-text :p. Anyway ang larong ito ay yung pagpapaikot ng tatlong pirasong TEKS sa ere. Yung pamato mo, pamato ng kalaban, at panabla. Pag yung pamato at panabla baligtad panalo ka! Hamig mo yung taya ng kalaban. Pro kung lahat baligtad "tabla".Titira ulit yung kalaban. Pag malakasan ang laro, dangkalan ang tayaan nun sa TEKS. Pag sa isang tira mo nanalo ka at tinatamad pa magbayad nung kalaban o kya badtrip na dahil na tatalo, sasabihin nito "SADO". Sado means pag tumira ka ulit at yung pamato mo ulit yung lumabas doble na yung ibibigay nung kalaban. Pag lumabas naman yung sa kalaban, edi "Kwits" kayo.

Pag sobrang nanalo ka na, at wala kang sando bag or kahon ng sapatos paglalagyan mo ng TEKS marami na dyang magvo-volunteer na mag "SB" sayo. Para sa mga nakalimot, "SB" -- Ayun yung tawag sa tagahawak ng TEKS  nung nanalo, pede din sya ang tumira para dun sa nanalo or dun sa boss nya or magbilang ng tex para dito, alalay kung baga. At pag natapos ang laro, or ayawan na sya yung may pinaka malaki balato dun sa nanalo. hehe. Funny thing also, old school na mga movies naka print dun sa TEKS, taz me-numbering from 00-99. hehe. Karamihan mga FPJ movies pa.

Tapos pag nanalo ka na its either babalatuhan mo kalaban mo, at magpaparanggaw ka, or kung ayaw mo talaga mamigay, magsesenyasan na kayo ng SB mo at sabay mananakbo sa huling tira. Yung mga gusto-gusto makibalato sayo susundan ka talaga kahit san ka magpunta. Kita mo na lng dami ng nakasunod sayo nambuburaot at nanghihinge ng balato. Pag napagod ka na, kakatakbo last resort mo dumeretso sa bahay nyo. Malas mo pag naabutan mo nanay mo init ulo, for sure katakot takot na sermon ang abot mo sa pagiging amoy araw mo, dagdag pa yung mga nakabuntot sayo, worst, pagnatuwa pa sayo nanay mo TAPON ang pinaghirapan mong TEKS :(. Iiyak ka na lang. Or simula sa umpisa at magpapalagong pepot. :p


Jolens - "Jokeleleng" ang usually nasasambit pag ikaw na ang titira. Tanda ko nun marami pang lupa sa lugar namen, I mean halos hindi pa sementado. Favorite spot namen yung bakuran nung masungit na matanda kapitbahay namen sa ilalim ng puno ng sampalok to be exact! Maganda kasi yung lupa, malambot, masarap maghukay. Ang gist ng laro ay dapat ma shoot mo ang jolens sa mga butas na ginawa nyo. Sosyal na golf :p Minsan halos humiga na ko pag tumitira (:p excuse me for the word, ayun talaga nmn dba?!) Ewan ko ba, pro OA ako sa pagdudumi ko sa sa sarili ko nung bata pa ko.

Tuwang tuwa ako pag meron me white na jolens or yung combination, ang ganda kasi. Pag na-olat ka barag ang jolen mo :(. 

Dampa - Magaling ako dito! Goal: Kailangan madala mo sa finish line yung goma sa pamamagitan ng iyong kamay. Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pagpatong o pagsaklob ng dalawang kamay at pinapalo ang semento o sahig upang makapagpalabas ng hangin na syang magpapagalaw sa goma patungo sa pinagbabasehan nyong linya.

Syempre my technique dun, kailangan walang butas sa bandang itaas nun kamay pag sinaklob mo na sya. Dapat kaya mo ding balansahin ang hangin na lumalabas sa butas ng iyong mga kamay. Dahil minsan kahit 2 or 3 goma lang ang kailangan mong palagpasin sa finish line mula sa mga pinagsama samang goma, pag lahat ng goma ay natira mo at sabay sabay na lumagpas sa finish line, talo ka! Sa kalaban mapupunta yung lahat ng goma na taya nyo! Gusto-gusto ko maglaro nito sa loob ng bahay namin, kasi pula yun semento/sahig namen sa bahay. Taz makinis pa kasi laging niflo florwaxan ni nanay, taz kame naman ang tagabunot para kumintab. Ang nagsisilbing palatandaan namen sa finish line ay yung mga fine lines/crack sa semento :p

Ten Twenty - Oh well, hindi naman sa pagmamayabang pro "hustler" ako dito. hahaha! oo ako na! Kaya nga sobra nagtataka ako pag nagta-try ako tumira nung no. one lang ah,  (yung pinakamababa), ngayon sa mga pamangkin ko na naglalaro eh hinihingal na ako. Samantalang date kahit "fast" pa yan, mula one hanga five (yun sa baywang na) tira ko pa kakampi ko "fast" pa! yakang yaka! Haiz ganon siguro talaga pag tumatanda gumaganda =))!

Pag purita ka sa goma yung single lang na goma gagamitin mo, yung iba grabe naman limahan! Sakit kaya sa balat! Maganda yung isa hanga dalawa na pagkakatale. Minsan trip nun iba, pare pareho talaga ang kulay ng goma. Ayoko ng garter sa ten twenty! Yes choosy ako nun! so kung garter, taz yayain mo ko maglaro, sige kayo na lang, hahhaha.

Pag ginaganahan ako di ko namamalayan hapon na pala. Pag walang nasundo saken nun sa kalye ibig sabihin busy si inay, may bisita sa bahay. Or hindi ako mahanap! hahahha! Pero minsann pag sinuswerte sinusundo ako ng patpat o kaya ng tsinelas! hahahah!.

Kalog Tansan - 2 thumbs up for this game! Parang din sya paglalaro ng Teks, ang kinaibahan, Tansan sya. hahahha! Bukod sa Tansan pde mo ding ibayad ang balat kendi, palara, o mga ibat ibang balot ng sigarilyo (cigarette wrapper). Bawat cigarette wrapper ay may katumbas na halaga. At ito ang aming pera nung araw. "Pera-Perahan". Ito yung mga naabutan ko presyuhan nuon. Pro minsan paiba iba, depende sa nagpauso ulit. Oo! parang palitan lang ng piso at dolyar!

  • Tansan = Singkwenta, Piso (piso na yun naabutan ko)
  • Balat Kendi (Candy Wrapper) = Dos (2 Pesos). Balat Kendi ng stork, viva, white rabbit, nako yan na lang naalala ko! hahaha!
  • Palara = 5 pesos (Pinaka mababa uri ng papel na pera dati)
  • Hope: 20 pesos
  • Marlboro: 50 pesos
  • Philip Moris: 100
  • Fortune:  500
  • More: Nakalimutan ko na. Hahaha. Basta yung mga hindi sikat or madalang na nakikitang balat ng sigarilyo mahal ang presyuhan nun.
Taguan: "Tagu-taguan maliwanag ang buwan tayo'y maglaro ng tagu-taguan. Pagbilang kong tatlo naka tago na kayo. Isa, dalawa,....... dalawa't kalahati, konting-konti :p, taaatttlo!!! hahhaha! Kinanta mo noh?! Anyway, fave namen toh, lalo na pagmaliwanag ang buwan. Dati kasi diba wala pa masyado bahay-bahay, halos puro bakante lote pa, puro dayame, an sarap maglaro! Madaya ka pag nasa likuran ka lang nun taya nagtago and while pa-pungas pungas pa lang yung "taya" magsa-save ka na! (parang engot lang :p)

Asar talo ka na man, pag yung isa kasamahan mo sumunod pa sayo dun sa pinagtataguan mo, malaki kasi tendency na kayo una mabo-"boom!". Minsan may kapitbahay kang epal or yung tipong kapwa bata din na hindi nyo naisali na ituturo ka kung saan ka nagtatago. Pro ang pinaka Badtrip sa lahat pag nasa kainitan ng laro, taz sisitsitan ka na ng ate mo o ni nanay, UWE!!! Kamot ulo ka na lng. Inggit ka na naman sa mga maiiwan na naglalaro.. :( haiz..  

Doktor Kwak-Kwak: Para lang mahirapan yung taya, pahihirapan niyo din ang sarili niyo. Hahahah! Madalas namen laruin toh sa hapon minsan inaabot kame na ng dilim. Mga 5 hanga 10 katao, pagbubuhulin-buhulin ang katawan. Basta, magbubuhul buhul kayo, i-ti-twist twist nyo mga arms and legs :p hanga sa ayon, buhul2x na kayo. hahahah! Tapos tatawagin nyo na si D-o-k-t-o-r   K-w-a-k  K-w-a-k... Bali si doktor kwak-kwak yung taya. Dapat magawa nitong makalas yung pagkakabuhol buhol ng grupo ng hindi kinakalas ang mga kamay na magkakapit. So ayun ikot-ikot lang ng braso at katawan, tipong nagkakanda ngiwi-ngiwi na. Tama! Mapipilayan ka sa larong ito.  hahaha! Pro masaya.


Syatong / Siato: Fave mo toh? Ako din:p hehe.. Kahit nabubukulan na ko sa noo, fave ko pa din! Ito ay nilalaro ng dalawang manlalaro pede din grupo. Gagamitan ito ng kahoy. Yung iba preferred yantok, iba naman kahit ano basta flat. So dalawang kahoy isang maiksi, (3 inches) at isang mahaba (4-5 inches). Nilalaro ito sa labas ng bahay yung tipong pde ka makapaghukay ng butas. Duon ipapatong yung maliit na kahoy taz yung malaki kahoy naman yung gagamitin mo pang push pataas sa ere (mas malayo mas maganda) nung maliit na kahoy. Dapat hindi masasalo nong kalaban yung maliit na kahoy.

Meron ding exhibition na tinatawag. Tipong papaluin mo ng kung ilang beses yung maliit na kahoy nung malaking kahoy... sa ERE! So dapat hindi mahuhulog sa lupa. Pag kayo yung natalo, sisigaw kayo ng ssssssssyyyyyyyyyyyaaaaaaaatong. Ito ay mula sa hanga kung saan bumagsak yun maliit na kahoy hanga dun sa butas. Pag huminga ka, ulit ka ulit sa umpisa ng syyyyyyaaaaaaaaaaaatttooong..

Patintero - Patintero should actually be the Pambansang Laro not Pinoy Henoy. (hehe, joke! luv Pinoy Henyo) Pro seriously, baka pde isama ang patintero sa Olympics ^^. Patintero is a stragety game. It involves team effort and strategy. Hindi pwedeng basta-basta na lang at bara barang susugod at tumakbo pa-home base. Kailangan mag-ingat, cause you'll never know, andyan na pala yung "patotot".

Taguang Singsing ("nakanino ang bato")
ulaan mo na kung nakanino ang bato.
Langit Lupa
tumbang preso
chinese garter

Gtg guys, will continue this post anytime this week plus my own documentary photos!

Please feel to share your stories : ) An sarap alalahin ng nakalipas :p Nostalgic mode here : (

*Disclaimer: Some photos gathered from the internet.

Saturday, April 10, 2010

Self acceptance

Self Acceptance frees you to be truly sensitive to the people around you. :)